404 - Lakad sa Liwanag ng Salita ng Diyos

Lakad sa liwanag ng salita ng Diyos,
Nang ang pala ay kamting lubos;
Kung lalakad tayong ganap sa pag-sunod
Tatahan sa atin si Jesus.

REFRAIN

Magtapat ka, pagka't walang iba
Na daan sa ligaya kundi pagtalima.

Walang hirap, lungkot, dalamhati't lumbay,
Kung tatalima't di susuway;
Ang dilim na sapot sa iyo'y wawalay
Kung susundin S'ya nang lubusan.

REFRAIN

Magtapat ka, pagka't walang iba
Na daan sa ligaya kundi pagtalima.

Ang Kanyang pag-ibig di masusukatan,
Balong ng awa'y laging laan;
Ang bawa't maibig ay iyong kakamtan
Kung tapat na susunod lamang.

REFRAIN

Magtapat ka, pagka't walang iba
Na daan sa ligaya kundi pagtalima.

Kung ganap at wagas ang pagtatalaga
Mga puso natin sa Kanya,
Ating malalasap ang pag-ibig Niya
Sa tapat ay ipamana.

REFRAIN

Magtapat ka, pagka't walang iba
Na daan sa ligaya kundi pagtalima.

0:00 0:00